Itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ai dating Department of Energy (DOE) Undersecretary Alexander Lopez bilang tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC).
Si Lopez na dating opisyal ng militar ang magsasalita para sa NMC sa mga usaping may kinalaman sa West Philippine Sea (WPS).
Ang NMC ay nilikha ni Pang. Marcos na layong palakasin ang maritime security at mapataas ang maritime domain awareness ng mga Pilipino sa gitna ng agresibong mga hakbang ng China sa WPS.
Nabatid na lumabas ang appointment ni Lopez noong Agosto a-6.
Bago naitalagang spokesman, nagsilbi itong DOE undersecretary at naging commander ng Western Command of the Armed Forces of the Philippines.
Naging commander rin ito ng Fleet-Marine Ready Force, at Joint Task Force Malampaya; Chief of Naval Staff for Operations, N3; at Philippine Defense and AFP Attaché in Singapore.
Nagsilbi rin bilang Chief of Fleet Staff for Operations, F3; Commanding Officer (Philippine Navy Commissioned Vessels); Executive Officer (Philippine Navy Vessels); at Commander, ng Naval Intelligence and Security Units.