-- Advertisements --
Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng mga caretaker ng bansa habang nasa Vatican ito sa Roma para dumalo sa libing ni Pope Francis.
Ayon kay Executive Secretaru Lucas Bersamin tatlo silang itinalagang caretaker ng bansa.
Makakasama si Bersamin na maging caretaker sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.
Bibiyahe ngayong gabi si Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos patungong Vatican.
Wala pang sinabi ang Malakanyang kung anong oras ang alis ng Pangulo.
Hindi rin sinabi kung sinu-sinong mga opisyal ang makakasama nito sa biyahe.