Isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. long-term rehabilitation sa Oriental Mindoro partikular ang pagbibigay ng bagong hanapbuhay sa mga apektadong residente.
Aminado ang Pangulo na posibleng matagalan pa ang oil spill recovery, kaya dapat mabigyan ng pagkakakitaan ang mga residente.
Pinasisiguro ng Pangulo sa mga concerned government agencies na ang ibibigay na livelihood program sa mga residente ay hindi lamang para sa mga naapektuhan ng oil spill, kundi magpapatuloy ito para mayruon pang ibang option na pwedeng pagkakakitaan ng sa gayon makadagdag ito sa kanilang mga kita.
Sinabi ni Pang. Marcos, ang livelihood program ay pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Habang ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay mayruon ng mga nakalinyang recovery initiative projects para sa probinsiya.
“Kaya’t asahan po ninyo, hindi namin kayo iiwanan. Asahan ninyo na hangga’t matapos ito [applause] ay nandito ang national government para tulungan kayo, para maibalik kayo sa dati ninyong gawi,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.
Siniguro naman ng Pangulo na tutugunan ng gobyerno ang problema sa potable water at livelihood sa mga tao.