-- Advertisements --

Target ng Department of Agriculture (DA) na ang pagbibenta ng P20 pesos kada kilo ng bigas hanggang 2028.

Ito ay kasunod ng direktia ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ahensiya na gawing pangmatagalan ang bentahan ng murang bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na sa inisyal na plano ay hanggang Disyembre ng taong ito ang gagawin nilang bentahan ng murang bigas o pwede pang palawigin hanggang Pebrero ng susunod na taon.

Sinabi ni Laurel, napagkasunduan sa ginawang pulong ngayong araw kasama ang Pangulo na 10 kilos ng murang bigas kada linggo ang pwedeng mabili ng mga taga Visayas o 40 kilos kada buwan.

Napagpasyahan aniya na sa Visayas ipatupad ang pilot implementation ng programa dahil dito maraming mas nangangailangan ng murang bigas.

Ayon sa kalihim sa kalaunan ay gagawin na sa buong bansa ang bentahan ng 20 pesos kada kilo ng bigas.

Siniguro naman ni Laurel na may sapat silang stocks o imbak na bigas sa visayas region, kabilang na sa Iloilo city.

Sa kabuuan aniya ay mayroong 358,000 toneladang bigas ang kanilang nasa ibat ibang warehouses, na kailangan na rin aniyang maipalabas dahil panahon ngayon ng anihan.