Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makita at malaman ang tutuong sitwasyon sa mga binahang lugar sa Metro Manila dulot ng Bagyong Carina.
Sa kabila na hindi pa humupa ang baha sa ilang lugar sa Valenzuela City, binisita pa rin ng Pangulo ang evacuation center sa Malanday National High School.
Sakay ang pangulo sa isang military truck hindi na ito bumaba dahil mataas pa rin ang tubig baha.
Kinausap nito ang mga evacuees sa pamamagitan ng loud speaker at ipinaaabot sa kanila na sisiguraduhin ng gobyerno na maibigay ang karampatang tulong para sa kanila.
Ayon sa Presidente, hindi siya kuntento sa ulat lamang kaya nagdesisyon siya na magtungo sa Valenzuela City na siyang catch basin ibig sabihin dito pumupondo ang mga tubig.
Sinabi ng Pangulo na hindi na gaano ang mga naiiulat na pagbaha dahil marami ng itinatayo na flood control infrastructures.
Ang pagbaha ay epekto din aniya ito ng Climate Change, nasira din ang navigational gate dahil binangga ito ng isang barko na naging dahilan sa malawakang pagbaha sa Navotas, Malabon at Valenzuela.