Inatasan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na balikan ang mga programang nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) na hindi pinondohan ng Kongreso.
Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo sa ginanap na cabinet meeting sa Malakanyang kanina.
Nais ng Pangulo na maibalik ang mga programang ito partikular iyong mahahalagang socioeconomic program.
Kaya naman ang utos ni PBBM sa bawat departamento, bigyan siya ng mga prayoridad sa NEP at aralin kung paano itong maibabalik.
Tinukoy ng Presidente ang ilan sa mga dapat ayusin gaya ng P12-B na nabawas para sa maintenance ng mga kalsada, P500-M sa rouine maintenance ng mga tulay at P21-B na tinapyas para sa feasibility studies.
Ang implementasyon ng General Appropriations Act of 2025 ang isa sa mga tinalakay sa unang cabinet meeting ngayong 2025.
“We have to re-examine so that the programs that we wanted – that we put in the NEP — can somehow be restored. For the rest of the departments, I need you to give me the priorities, the things that we prioritized in the NEP that were removed in terms of budgeting, in terms of appropriations,”pahayag ni Pang. Marcos.