Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sa gabi pa lamang ay makapagbigay na ng abiso hinggil sa suspensiyon ng klase at trabaho.
Siniguro di ng Pangulo na nakabantay ang Malakanyang sa sitwasyon at lagay ng panahon kaugnay ng Bagyong Enteng.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidente na batay sa monitoring ay problema ang malakas na hanging dala ng bagyo.
Ayon sa Pangulo, tinitingnan rin nila ang pagtaya na baka mas lalakas pa ang bagyo bukas at labis na maapektuhan ang Metro Manila.
Sinabi Pang. Marcos sa usaping suspension ng klase ay kadalasang ipinauubaya niya ang desisyon sa mga lokal na pamahalaan dahil sa iba-iba ang sitwasyon sa bawat lugar.
Pagdating naman sa pasok sa trabaho, ang konsiderasyon anya ay kung makakapasok at makauuwi ang mga empleyado dahil mahirap namang ma-stranded ang mga ito.
Pero nagbigay na daw ng direktiba ang Presidente na kung maaari bago matulog ay alam na kung may pasok bukas para makapag-adjust ang mga tao.