-- Advertisements --
PBBM12

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P11 billion investment pledge ng Singapore-based multinational technology firm na Dyson sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, magbubukas ito ng mga oportunidad sa mga Pilipinong software engineers at iba pang engineering graduates.

Sinabi ito ng Pangulo matapos matanggap ang kumpirmasyon ng investment pledge ng Dyson kasunod ng kanilang pagpupulong sa singapore ngayong araw ng Sabado, Setyembre 16.

Saad pa ng Punong ehekutibo na tama ang naging desisyon ng kompaniya sa pagpili sa PH para sa kanilang investments.

Ayon naman sa Dyson, makakalikha ng 1,250 trabaho ang kanilang pamumuhunan sa PH at mas maraming manufacturing sa bansa ang inaasahan sa kalagitnaan ng 2024 o sa ikalawa o ikatlong kwarter ng 2023.

Suportado din ni House Speaker Romualdez na isa sa mga delegasyon ng Pangulo sa Singapore ang investment pledge ng Dyson.