Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagtitiwala sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay batay sa naging resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations.
Batay sa naging datos, tatlong puntos ang itinaas ng satisfaction rating ng Punong Ehekutibo na umabot sa +47 noong nakaraang taon.
Ito ay mas mataas sa naging satisfactory rating ng Pangulo na naitala noong Setyembre ng 2023.
Dahil dito ay nananatili pa rin ito sa ‘good’ na net satisfaction rating ni PBBM.
Nakakuha ng mataas na satisfaction rating ang Pangulo sa Balance Luzon na +52 o nasa ‘very good’.
Sinundan naman ito ng Visayas (‘very good’ +51).
Pinakamataas ang nakuhang satisfaction rating ng Pangulo sa Balance Luzon na +52 o nasa ‘very good’ na sinundan ng Visayas (‘very good’ +51).
Tumaas rin ng walong puntos ang rating ni PBBM sa Metro Manila kumpara sa rating nito noong Sep. 2023 sa parehong rehiyon.
Pinakamababa naman ang satisfaction rating na nakuha ni Pangulong Marcos sa Mindanao na +38 o ‘good’ lamang.
Timaas rin sa rural areas ang net satisfaction nito na nasa ‘very good’ +56 o mas mataas ng 12 puntos kumpara noong Setyembre.
Samantala, isinakatuparan ang Fourth Quarter 2023 SWS Survey mula December 8-11, 2023.
Ito ay sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.