-- Advertisements --
Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na nakatakdang lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ngayong linggo ang PhP5.76-trillion 2024 national budget.
Sinabi ni Speaker na nakahanda na ito at posible sa Miyerkules pipirmahan na ito ng Pangulo. Ginawa ni Speaker ang pahayag ng siya ay tanungin ng mga media sa Tokyo.
Dagdag pa ni Speaker nais sana ng Pangulo na lagdaan ito bago pa man ang kanyang biyahe sa Japan.
Subalit may mga kakailanganin pang ayusin lalo na ang pag imprenta sa ilang mga requirements na kailangan bago ito pirmahan ng chief executive.
Nakatakdang bumalik ng bansa si Pang. Marcos mamayang gabi mula sa Japan kung saan dumalo ito sa 50th Commemorative ASEAN-Japan Friendship and Cooperation. – ANALY SOBERANO