Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakatakda siyang makipag pulong kay US President Donald Trump upang talakayin ang ibat bang mahahalagang isyu sa pagitan ng Pilipinas at US.
Sinabi ng Pangulo marami silang pag-uusapan partikular sa kalakalan, defense and security at ang bagong polisiya ng Amerika sa immigration.
Lilinawin din ng Pangulo kay Trump ang direktiba nito nkaugnay sa pagtigil muna ng foreign aid ng US.
Sa ngayon kasi hindi pa maliwanag ang direktiba kaugnay sa pagpapatigil ni Trump sa mga ayuda ng US sa mga bansa kaya tumanggi munang mag komento ang Pangulo.
Ayon kay Pang. Marcos na maging ang mga ahensiya sa US government ay hindi rin nila naintindihan kung ano ang ibig sabihin sa naging utos ni Trump.
Hindi naman sinabi ng Pangulo kung kailan sila magkikita at magpupulong ni President Trump.
Umaasa si Pang. Marcos na makakapag impluwensiya ang Pilipinas kaugnay sa bagong polisiya ng US sa immigration.
Dahil sa nasabing polisiya ni Trump, daan daang mga Filipino na ang napauwi pabalik ng bansa.