Mahigpit na minomonitor ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang sitwasyon at epekto ng Bagyong Julian kung saas tutumbukin nito ang ilang lugar sa northern luzon.
Sa ambush interview sa Tarlac sinabi ng Presidente kaniyang sinabi na naka preposition na rin ang ipamamahaging tulong para sa mga kababayan natin na lubhang naspektuhan ng pananalasa ng bagyo.
Kwento ng Pangulo na nakatakda siya magtungo kahapon sa Ilocos subalit masama na ang panahon malakas ang ulan.
Ayon punong ehekutibo lalo panh lalakas ang bagyo dahilan na pinag-iingat nito ang publiko.
Panawagan nito sa publiko na maging mapagmatyag lalo na duon sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.
Siniguro ng Pangulo na nakatutok ang lahat ng mg concerned agencies para tumugon sa mga pangangailangan.
“ Mag-ingat po tayong lahat. Atin pong ipatuloy ang binabantayang bagong bagyong julian at handang magbigay ng tulong ang pamahalaan sa ating mga kababayang nangangailangan,” panawagan ni Pang. Marcos.