![image 595](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/03/image-595.png)
Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdiriwang ngayon ng Antipolo Cathedral ang pinaka hihintay nitong araw ng Effectivity of Elevation of the International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.
Ito matapos na pormal nang ideklara ng Vatican ngayong araw, Marso 25, bilang isang international shrine ang Antipolo Cathedral sa Antipolo City, Rizal alinsunod sa inilabas nitong decree.
Sa isang statement ay ipinahayag ng pangulo ang kaniyang pakikiisa sa mga kababayan nating mga Katoliko na ipinagdiriwang ngayon ang deklarasyon ng Vatican sa Antipolo Cathedral bilang kauna-unahang international shrine sa bansa at ikatlo sa buong Asya, kasabay ng pag-asang mapalalim pa ng karangalang ito ang pananampalataya ng bawat isa.
Samantala, dahil dito ay magsasagawa ng prusisyon sa pangunguna ng Antipolo Cathedral mamayang alas-6:00 ng hapon upang magbigay pugay sa Our Lady of Peace and Good Voyage sa mga sumusunod na kalye:
– M.L. Quezon Street
– Sumulong Street
– Sto. Ninoy Street
– C. Lawis Street
– J.P. Rizal Street
– at P. Oliveros Street
Kaugnay nito ay pinayuhan naman ng mga kinauukulan ang mga motorista na gumamit muna ng mga alternatibong ruta.
Kung maaalala, Hunyo 2022, sinabi ni Antipolo Bishop Francisco de Leon na inaprubahan na ng Vatican ang kanilang petisyon hinggil sa pribilehiyong ito.