-- Advertisements --

 

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga katolikong Filipino sa pagdiriwang ngayong araw ang  pista ng Poong Itim na Nazareno. 

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang makasaysayang tradisyon na bunga ng masidhing debosyon ay pagpapakita ng matinding sakripisyo ng Panginoon at tagapag- ligtas na si Jesus.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na ang pagbubuhat aniya ng krus ng Panginoon  ayon sa Chief Executive ay magsisilbing paalala sa MGA dinaanan ng Kristo sa kanyang buhay.

Dagdag pa ng Presidente, testimonya din aniya ang malaking pagtitipon ng mga tao ngayon ang pagkakaisa at camaraderie.

Ipinunto ng Pangulo na palaging tandaan na lahat ay daraan sa mga hamon ng buhay na siya namang magsisilbing pagsubok subalit kailangang harapin ng  may pananampalataya.

Ayon sa Pangulo para sa mga deboto kasama man sa prusisyon o hindi nawa ay maramdaman ang pagsama ng makapangyarihang nilikha at sanay makagawa ng serbisyo sa iba.

Ayon sa Pangulo, ang Pista ng Itim na Nazareno ay isa sa sa pinaka dakilang pag muni-muni.

“ The Feast of Jesus Nazareno is among the greatest reflections of the depth of Filipino devotion.As thousands walk barefoot in prayer and sacrifice, we are reminded that no burden is too heavy when carried with faith. May this day inspire us to care for one another and hold firm in the belief that our better days are ahead.

Viva Poong Jesus Nazareno!, “ pahayag ng Pang. Marcos.