Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga world leaders sa pag kondena sa pag atake kay dating US President Donald Trump.
Ayon sa Presidente, malaking kaginhawaan ang ulat na ligtas at nasa mabuting kalagayan ngayon ang dating Pangulo matapos itong tangkain na i-assasinate.
“Together with all democracy loving peoples around the world, we condemn all forms of political violence. The voice of the people must always remain supreme,” mensahe ni Pangulong Marcos.
Kung maalala, nadaplisan ng bala ang kanang tenga ni Trump.
Gumugulong na rin sa ngayon ang imbestigasyon kaugnay sa tangkang asasinasyon sa dating Pangulo ng Amerika.
Una ng inihayag ni Trump na siya ay binaril dahil nadaplisan siya ng bala sa kanang tenga nito.
Kinondena ni US Pres. Joe Biden ang nasabing insidente at nanawagan ng pagkakaisa at labanan ang anumang kaharasan.