Mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang namahagi ng crop insurance sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño phenomenon sa San Jose Occidental Mindoro.
Ayon sa Punong Ehekutibo, kasama ang crop insurance sa mga programa na inilaan sa mga magsasaka para makabawi ang mga ito sa nararanasang krisis.
Matatandaang inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) kamakailan na nag-release ito ng P4.5 bilyon para sa crop insurance premium ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Dagdag pa ng pangulo na walang tanim ang mga magsasaka na pinaka-apektado ng matinding tagtuyot kaya’t kailangan nila ng pera para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ipinunto ng presidente na ginagawa ng national government ang lahat, sa pangunguna ng mga kinauukulang ahensya, upang maabutan ng tulong ang lahat ng mga apektado ng El Niño.
Maglalagay din ng dam ang pamahalaan para siyang maging source ng patubig ng mga magsasaka.
Namamahagi rin ang pamahalaan ng post-harvest facilities na magagamit ng mga magsasaka.