-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 17,999 na Agrarian Reform ang nakatanggap ng land title matapos na mabigyan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bahagi ito ng programa ng administrasyong Marcos Jr. upang mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka na kanilang pagtataniman.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Agrarian Reform Western Visayas na katumbas ito ng kabuuang higit 16,000 na ektariya na mga lupaing sakahan sa naturang rehiyon.

Sa nasabing bilang ng BENEPISYARYO, 13,200 dito ay mula sa Negros Occidental habang mahigit 2,100 ay nagmula naman sa Iloilo.

Aabot din sa 900 na benipisyaryo ang nabigyan ng lupa mula sa Capiz, 600 sa Aklan( 500 sa Guimaras at higit 400 sa Antique.

Ayon kay DAR 6 Regional Director Atty. Sheila Enciso , maswerte ang kanilang rehiyon dahil sa bilang ng mga benipisyaryo na nabigyan ng libreng lupa na sakahan.

Nagpasalamatnaman ito sa suporta na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Top