-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang General Santos City ngayong araw para malaman ang mga pangangailan ng mga residente na naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol.

Inatasan ng pangulo ang Department of Social Welfare and Development ( DSWD) para sa mga pangangailan ng mga biktima.
Dagdag pa sa nito na hindi pa pwede masimulan ang rebuilding sa nasira na mga government infrastructures dahil sa nagpapatuloy na aftershocks.

Bago ang briefing na isinagawa kasama si Mayor Lorelie Pacquiao, Sarangani Governor Roel Pacquiao at dating Sen. Manny Pacquiao namahagi ng gift pack at cash gift ang Pangulo sa mga apektadong residente ng lindol.

Ang mga Local Chief Executives naman kanilang inireport sa Pangulo ang danyos na epekto sa lindol sa kani-kanilang mga lugar.

Kasama ng Pangulo sina DILG Secretary Benhur Abalos Jr, DND Sec. Gilberto Teodoro, DSWD Sec. Rex Gatchalian at DPWH Sec. Manuel Bono-an.

Nagpag-alaman na bago dumating ang Pangulo nangyari ang 4.6 magnitude na aftershock kaninang alas 11:24 ng tanghali.