-- Advertisements --

Walang plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sibakin sa pwesto Sec. Menardo Guevarra bilang Solicitor General.

Sa press briefing sa Malakanyang, kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na nagkausap na sina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Guevarra.

Ayon kay Castro, sinabi ng Pangulo na hindi nawawala ang kanyang tiwala kay Guevarra kaya naman hindi nito hihingin ang kanyang resignation.

Una rito, tumanggi si Guevarra na katawanin ang mga ahensya ng pamahalaan sa petisyon sa Korte Suprema laban sa pag-aresto kay dating Pang. Rodrigo Duterte.

Sa kanyang manifestation, sinabi nitong hindi nila epektibong maipagtatanggol ang mga respondents sa petisyon dahil kumalas na ang Pilipinas sa International Criminal Court noong 2019.