Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nananatiling malinaw at consistent ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa isyu sa International Criminal Court (ICC) na wala itong jurisdiction sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil trabaho ng Department of Justice (DOJ) na mag explore ng lahat ng legal avenues at tiyakin na fully informed si Pangulong Ferdinand Marcos para sa kaniyang maging options.
Sinabi ni Secretary Garafil na ang hakbang ng DOJ ay isang standard procedure at hindi pagpalit sa posisyon ng Punong Ehekutibo.
Nais lamang nito na magiging handa ang administrasyon para sa anumang mga senaryo.
Paulit-ulit ng sinabi ni Pang. Marcos na hindi nito kilalanin ang jurisdiction ng ICC sa bansa.
Una ng inihayag ng DOJ na naghahanda sila ng isang briefer para kay Pang. Ferdinand Marcos hinggil sa ibat ibang consequences sa isyu ng ICC.
Nabatid na nakatakda na maglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pang. Rodrigo Duterte at maging sa iba pang mga indibidwal.
“The President’s stance on the ICC remains clear and consistent. However, it is the duty of the Department of Justice to explore all legal avenues and ensure that the President is fully informed of his options. This is standard procedure, not a change in position, ensuring that our administration remains prepared for any scenario,” mensahe ni Sec. Garafil.