Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng iba’t ibang bansa ang pangangailangan na i-angat ang pamumuhunan sa mga inisyatibo, programa, at polisiya na tutugon sa climate crisis.
Sa pagbubukas ng Asia- Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa PICC ngayong umaga, binigyang diin ng pangulo ang pangangailangan ng pagkakaroon ng sapat na pondo, para sa pagpapatuloy ng disaster risk reduction ng buong mundo.
Ayon sa Presidente sa ganitong paraan aniya mas mabibigyan ng access ang developing countries, lalo na iyong mga pinaka-maliliit na bansa na palakasin ang kanilang kakayahan na sumabay at tumugon sa epekto ng nagbabagong panahon.
Umaasa ang pangulo na sa pamamagitan ng pondong ito, masusuportahan ang mga bansa na pinaka-vulnerable o pinaka-apektado ng Climate Change.
Pagtiyak din ng Pangulo na nakahandang tanggapin ng Pilipinas ang role nito bilang steward ng Board of the Fund for responding to Loss and Damage.