Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kaalyadong bansa at partners nito na suportahan ang Pilipinas sa candidacy nito para sa United Nations Security Council (UNSC) seat para sa taong 2027-2028.
Ginawa ng Pangulong Marcos ang kaniyang panawagan sa ginanap na Vin D’Honneur sa Palasyo ng Malakanyang kagabi.
Ayon sa Punong Ehekutibo na ang kandidatura ng Pilipinas ay naka angkla sa mayamang karanasan ng Pilipinas sa pagpupursige ng kapayapaan at pagpasok sa mga kasunduan sa mga kaalyado nito at mga partners.
“I take this opportunity anew to convey to your respective governments our earnest request for your support to our UNSC bid,” pahayag ni Pang. Marcos.
Kaniya din binigyang-diin na ang Pilipinas ay walang tigil sa pagpapadala ng mga peace keeping missions na patunay na ang bansa ay fully committed sa mga hakbanging nagsusulong ng kapayapaan.