Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga mambabatas na bumalangkas ng batas na tututok at tutugon sa isyu ng malnutrition sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng mga panukalang batas na babalangkasin ng lawmakers ay mapagtutulungan ang problema sa malnutrisyon.
Binigyang diin ng chief executive na mahalagang matugunan ang problema sa malnutrion gayung nakaka apekto ito hindi lamang sa productivity ng mga bata kundi pati na din sa kanilang academic performance.
Binigyang diin rin ng Pangulo na ang maayos na nutrisyon ay susi sa socio economic target ng bansa gayung may kinalaman ito sa pagiging produktibo ng bawat isa.
Ayon sa Pangulong Marcos ito ang dahilan kaya prayoridad ng kanyang administrasyon na matiyak na matatag ang food security ng bansa.
Mahalaga na mayruong batas ukol dito para mabigyan na ng pansin ang malnutrition.
Kumpiyansa naman ang Pangulo na sa nasabing proyekto maiibsan ang ang problema sa malnutrition sa mga bata at maging sa mga buntis ay lactating mothers.
“This is the reason why this Administration has put a high priority and considered it of strategic importance that lies in the areas of food security, health care, and education, amongst others,” pahayag ng Pang. Marcos.