-- Advertisements --

Hinimok ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang mga Filipino na magkaroon ng ugali na magtipid sa pagkunsumo ng kuryente.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod sa paggunita ng bansa sa 2023 National Energy Consciousness Month (NECM).

Ayon sa Pangulo habang isinusulong natin ang landas ng sustainable development, mahalaga na magkaroon ng kamalayan lalo na sa energy consumption.

Dagdag pa ng Pangulo dapat kilalanin din ang Energy [Efficiency] Award na layong kilalanin ang mga indibidwal at organisasyon na nagpakita ng kanilang malakas na dedikasyon para makamit ang energy conservation at pinangunahan ang pag promote sa energy efficiency.

Naniniwala naman ang Pangulong Marcos na sa tulong ng lahat, maaaring bumuo ng isang sustainable at resilient sa hinaharap para sa mga susunod na henerasyon.

Ipinagdiriwang ng Department of Energy (DOE) ang kanilang ika-51st anniversary at sabay na ginugunita ang 2023 National Energy Consciousness Month.

Ilang mga aktibidad ang nakalinya na nakatuon sa paghahanap ng mga solusyon sa mahusay na enerhiya, paglikha ng mga napapanatiling kasanayan, at pagyakap sa mga umuusbong na teknolohiya at aplikasyon ng enerhiya.