Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang mga nasa pribadong sektor na mag- invest sa gagawing pagpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng Pilipinas.
Kasunod na rin ito ng ginawang paglagda sa Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act kung saan ay isusulong ang pagpili sa filipino-owned enterprises para sa development, produksyon, o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapon systems, ammunition ng bansa.
Ayon sa Pangulo, may nakapaloob na insentibo sa mga negosyanteng maglalagak ng puhunan.
Ang incentive Sabi Ni Pangulong Marcos ay nasa anyo ng tax breaks o government-backed financing na kung saan, ang pamahalaan ang nagsisilbing tagagarantiya sa utang.
Ayon sa Chief Executive, Hindi kakayanin ng pamahalaan na mag- isang maitaguyod at mapagtagumpay ang batas at malaki Ang maiaambag dito ng nasa private sector.
Samantala, sa panig naman ni AFP chief of staff General Romeo Brawner ang mga local production ng mga armas ay gagamitin lamang para sa militar.
Hindi ito maaaring ibenta sa private sector.
Binigyang diin ni Brawner na ito na ang panahon para patatagin ang defense system ng bansa lalo at maraming kinakaharap na hamon.