Tiwala si Pangulong Bongbong Marcos na may kakayahan ang Pilipinas na makaakit ng mas maraming pamumuhunan sa bansa at makamit ang kanyang agenda sa pagpapaunlad ng ekonomiya nang hindi inaamyenda ang Konstitusyon.
Tahasang inamin ng Pangulo ng bansa na hindi priority ng kaniyang administrasyon ang Charter Change o Cha-Cha.
Aniya, maraming mga mahahalagang bagay ang dapat unahin, dapat gawin.
Ginawa ni Marcos ang pahayag nang magsimula ang kanyang mga kaalyado sa House of Representatives, kabilang ang kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez, sa mga pagdinig noong nakaraang taon sa mga hakbang na humihiling ng Charter change (Cha-cha).
Dumating si Marcos sa Maynila Linggo ng gabi pagkatapos ng limang araw na opisyal na pagbisita sa Tokyo, kung saan nakakuha siya ng hindi bababa sa $13 bilyon o humigit-kumulang P708.2 bilyong halaga ng mga deal sa pamumuhunan na tinatayang makakalikha ng humigit-kumulang 24,000 trabaho para sa mga Pilipino.