-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagkain ang pinakamabilis na paraan upang pahalagahan ang kultura ng ating bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagsisimula ng pagdiriwang ng 2025 Filipino Food Month 2025 na ginanap sa Quezon Province kaninang umaga.

Sa nasabing aktibidad ibinida ng Quezon Province ang kanilang mga native delicacies gaya ng longganisa at pancit habhab at iba pa.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga magsasaka, mangingisda, at manggagawa sa industriya ng pagkain upang mas makilala pa ang husay ng mga Pilipino pagdating sa pagluluto.

Siniguro ni PBBM ang suporta ng gobyerno sa industriya ng pagkain.

Sa katunayan may mga programa ang pamahalaan para mapalakas at mapatatag ang industriya ng pagkain sa bansa.

Tiniyak ng Pangulong Marcos na magpapatuloy ang pamahalaan sa pagsisikap na magkaroon ng sapat, mura, at masustansyang pagkain ang bawat Pilipino.