-- Advertisements --
Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaki ang makukuhang benepisyo ng mga taga countryside at maging sa mga local government units ang papasuking peace agreement ng Pilipinas at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Assistant Secretary Wilben Mayor malaki ang makukuhang socioeconomic benefits.
Inihalimbawa ni Mayor ang peace agreement sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nagresulta sa pagbaba ng kaso ng kahirapan sa rehiyon.
Sinabi ni Mayor na ang digmaan ay wala ng idinudulot na mabuti, palaging talo ng dalawang partido na naglalaban.