-- Advertisements --

Dumating na sa Cebu si Pang. Ferdinand Marcos para personal na kumustahin ang mga residente ng Central Visayas.

Iba’t ibang aktibidad ang dadaluhan ng Pangulo sa Cebu.

Una, ay makikipagpulong ito sa mga miyembro ng Regional Development Council VII.

Ang RDC ang nagsisilbing counterpart ng NEDA Board sa subnational level. Ito ang nagtatakda ng direksyon ng lahat ng economic at social development efforts sa rehiyon.

Makakasalo naman ni Pang. Marcos sa pananghalian ang mga lokal na opisyal kabilang ang mga gobernador sa Visayas at mga opisyal ng One Cebu.

Pangungunahan rin nito ang inagurasyon ng Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway sa Lapu-Lapu City.

Itinayo ang paslidad dahil sa air traffic growth sa ikalawang pinakaabalang paliparan sa bansa.