GENERAL SANTOS CITY – Pinangunahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga mangingisda, magsasaka at kanilang pamilya na apektado ng El Niño Phenomenon.
Aabot ng mahigit-kumulang 7,233 mga beneficiaries ang tumanggap ng tig-P10,000 Presidential Assistance.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., batid nito ang matinding epekto ng El Niño lalong-lalo na sa sektor ng agrikultura kung saan sa buong bansa mahigit 3 million katao ang apektado.
Ayon sa Pangulo, dahil dito marapat lamang na alalayan ang mga mangingisda at magsasaka.
Samantala, kinilala ng Pangulo ang South Cotabato at maging ang Gensan sa kontribusyon nito sa agriculture sector.
Nagpasalamat din ito ng mainit ng pagtanggap sa kanya ni Gensan Mayor Lorelie Pacquiao,Congressman Tonton Acharon, kasama si Dating Senador Manny Pacquiao, Sarangani Gov. Ruel Pacquiao at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo.
Sa nasabing aktibidad, kasama ni Pres. Marcos Jr. si Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., DSWD Sec. Rex Gatchalian, DILG Sec. Benhur Abalos, Special Assistant to the President of the Philippines Antonio Lagdameo Jr.