-- Advertisements --

Nasa Jakarta, Indonesia na ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos para dumalo sa inagurasyon ni President-elect ng Indonesia na si Prabowo Subianto at Vice President-elect na si Gibran Rakabuming Raka.

Ngayong araw, October 20,2024 gaganapin ang inagurasyon.

Kagabi dumating sa Soekarno-Hatta International Airport sa Jakarta, Indonesia si Pang. Marcos kasama ang Unang Ginang kung saan sinalubong sila ni General (Ret.) Muhammad Tito Karnavian, Indonesia’s Minister of Home Affairs,kasama ang ilang mga opisyal ng Indonesian government at representatives mula sa Philippine Embassy sa Indonesia.

Ang pagtungo nina Pang. Marcos at Unang Ginang sa Indonesia ay batay sa naging imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.

Ipinagdiriwang din ng Pilipinas at Indonesia ang ika-75th anibersaryo ng formal diplomatic relations.

Ang pagdalo ng Pangulo at Unang Ginang sa inagurasyon ay muling pagtitibay sa malalim pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sa mga isinagawang exchange visits lalong lumalakas ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.