Nakiisa si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa buong mundo sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ni Hesukristo.
Sa kanyang mensahe, ipinaalala ng Pangulo sa mga Pilipino na ang Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang panahon para sa pagdiriwang, kundi isang panawagan sa pagkilos upang makabangon sa kahirapan, magpakita ng pakikiramay, at bumuo ng mas makatarungan at mapagmalasakit na bansa. Hinihimok niya ang lahat na gawing aksyon ang pananampalataya at tumulong na lumikha ng Bagong Pilipinas kung saan walang maiiwan.
Nanawagan din ang Pangulo na isalin ang kanilang pananampalataya sa konkretong pagkilos, gamit ang okasyon ng Linggo ng Pagkabuhay upang bigyang-diin ang pangangailangan ng pakikiramay, pagkakaisa, at inklusibong pamamahala sa pagharap sa mga hamon ng bansa.
Ayon sa Punong Ehekutibo na ang Pagkabuhay muli ni Jesu-Kristo ay hindi lamang isang simbolo ng pag-asa kundi isang utos na iangat ang buhay ng iba lalo na ang mga “nabaon sa utang, sa gutom, at sa katahimikan.”
Ang Pasko ng Pagkabuhay, na ipinagdiriwang ng milyun-milyong Katolikong Pilipino sa buong bansa, ay ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesukristo mula sa pagkamatay nito.
Ito ay hudyat sa pagtatapos ng Semana Santa at nagsisilbing panahon ng espirituwal na pagbabago at pambansang pagninilay.
Sa humigit-kumulang 80 porsiyento ng populasyon na kinikilala bilang Romano Katoliko, ang Pasko ng Pagkabuhay ay nananatiling malalim sa pagkakakilanlan ng kultura at relihiyon ng bansa.