-- Advertisements --

Ngiti ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng tanungin kung pinaplano na ng Pilipinas na maging miyembro uli ng ICC.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro, ipinaaabot ng Pangulong Marcos na hanggang sa ngayon wala pang napag-uusapan patungkol babalik pa sa pagiging miyembro ang Pilipinas sa Rome Statute.

Ito’y matapos mag-usap si Castro at ang Punong Ehekutibo.

Sinabi ni Castro, nanatili ang posisyon ng Presidente na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

Ito’y kahit nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court si dating Pangulong Duterte.

Una ng inihayag ng gobyerno na ang warrant of arrest na inilabas ng ICC laban kay ex-PRRD ay idinaan sa Interpol kaya walang dahilan para hindi ito tugunan ng Pilipinas.

Sa kabilang dako, nilinaw ni Castro na hindi sapat na basehan ang magiging hatol ng ICC sa kaso ni ex-PRRD sakaling ma convict ito para ma forfeit ang kaniyang mga benepisyo na natatanggap mula sa gobyerno.

Paglilinaw ni Castro, maaari lamang ma-forfeit ang benepisyo ng dating pangulo kung may ilalabas na ruling ang korte dito sa Pilipinas.

Inihayag ng Palasyo na may natatanggap na benepisyo mula sa gobyerno ang mga naging Pangulo ng bansa.