-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga batas na nagde-deklara ng holiday sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Pinirmahan ng pangulo ang Republic Act No. 12103 na nagde-deklara sa April 16 ng bawat taon bilang special non-working holiday sa Marikina city, para sa kanilang founding anniversary na tatawaging ‘Marikina City Day’.

Nakasaad sa batas na sakaling tumapat ang holiday sa school day, sususpendihin ang klase sa lahat ng antas sa Marikina.

Sa ilalim naman ng RA no. 12098, deklaradong special nonworking holiday ang April 2 ng bawat taon sa Antipolo City sa Rizal para sa kanilang Cityhood anniversary.

Special nonworking holiday na rin ang Nov. 23 ng bawat taon sa buong lalawigan ng Benguet para sa kanilang foundation day o ‘Benguet Day’.

January 22 sa Guiguinto Bulacan para sa Halamanan festival, Nov. 7 sa Cuenca, Batangas para sa “Cuenca Foundation Day”, June 20 sa Guinayangan Quezon para sa founding anniversary; November 3 sa Kalibo Aklan para sa “Kalibo foundation day”; January 8 sa Pavia, Iloilo para sa “Pavia Day”, at July 28 sa Cabadbaran City, Agusan del Norte para sa “Cabadbaran Day”.