-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11965 o Caregiver Welfare Act na layuning maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga domestic caregiver.

Sa ilalim ng bagong batas, kwalipikado ang mga caregive na mabayaran ng overtime pay kapag lagpas sa arawang 8 oras na pagtratrabaho at night shift differential na may minimum wage na hindi bababa sa minimum wage sa rehiyon.

Ang mga caregiver na nakapag-render ng isang buwang pagtratrabaho ay kwalipikadong makatanggap ng 13th month pay na ibinigay sa Dec. 24 kada taon o upon separtaion mula sa trabaho.

Ang mga caregiver naman na nakapagrnder ng isang taon na serbisyo ay makakatanggap ng 5 araw na leave credits with pay.

Saklaw sa naturang 12 pahinang batas ay ang caregivers na nagtratrabaho sa mga pribadong bahay sa bansa, nursing o care facilities at iba pang residential settings gayundin ang mga caregiver na direktang na-hire ng employer o Public Employment Services Office (PESO) at Private Employment Agency.

Ang caregiver welfare act ay magiging epektibo 15 araw mula ng mailathala sa official gazette.