-- Advertisements --

Ganap ng naging batas ang Republic Act 11997 o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act matapos itong pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, gagawin nang P10,000 kada taon ang teaching allowance ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Ang nasabing allowance ay pambili ng mga gamit, materyales at mga gastusin ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

Dumalo sa signing ceremony sa palasyo ng Malakanyang sina DepEd Secretary Sara Duterte, Senate President Chiz Escudero at Speaker Martin Romualdez.

Sa school year 2025-2026 magiging epektibo ang nasabing batas.

Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaniyang sinabi na ang nasabing batas ay makakabawas sa pasanin ng mga guro.

Sinabi ng Presidente may mga guro na ilang dekada na humuhugot sa kanilang sariling bulsa para kanilang ipambili ng mga materyales pasa classroom.

Hindi dumalo sa ceremonial signing si DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte subalit si DepEd Spokesperson Michael Poa ang dumalo sa nasabing event.