-- Advertisements --
Ganap nang naging batas ang Republic Act 11997 o ang Kabalikat sa Pagtuturo Act matapos itong pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, gagawin nang P10,000 kada taon ang teaching allowance ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Ang nasabing allowance ay pambili ng mga gamit, materyales at mga gastusin ng mga guro sa kanilang pagtuturo.
Dumalo sa signing ceremony sa palasyo ng Malakanyang sina DepEd Secretary Sara Duterte, Senate President Chiz Escudero, Speaker Martin Romualdez at ACTS-Teachers partylist Rep. France Castro na siyang may akda ng panukala.
Sa school year 2025-2026 magiging epektibo ang nasabing batas.