Ganap ng batas ang panukalang batas na nagsusulong ng kapakanan at karapatan ng Filipino seafarers.
Itoy matapos pirmahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Magna Carta of Filipino Seafarers sa isang seremonya dito sa Malakanyang ngayong umaga.
Sa ilalim ng Magna Carta of Seafarers, itinataguyod ang interes at proteksyon ng mga Pilipinong marino.
Kaakibat nito ang pagpapaigting ng training at accreditation para matiyak ang compliance sa international maritime standards.
Layon din ng Magna Carta of Filipino Seafarers na bumuo ng komprehensibong framework na mag preserba at palakasin karapatan at kapakanan ng mga Pinoy seafarers sa local and international shipping.
Matatandaang noong Pebrero pa dapat lagdaan ni PBBM ang nasabing panukala pero hindi natuloy dahil under review pa umano ito ng Presidente.
Ikinagalak ni PBBM na ganap ng batas ang magna carta for Filipino seafarers.