Ganap ng batas ang dalawang panukala matapos ito lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaninang hapon sa Palasyo ng Malakanyang.
Ito ay ang Batas Republika (R.A. 12000), ang panukalang ito ay lumilikha ng mga Lalawigan ng Negros Occidental, Negros Oriental at Siquijor Island sa isang Administrative Region o ang ‘Negros Island Region.’
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaasahan na mas lalong mapapabuti ng batas ang socioeconomic growth sa buong bagong tatag na Rehiyon para sa kapakanan ng mga Negrense.
Sabi ng Pangulo, ang pagsasabatas ay nagbibigay-diin sa pagbibigay ng mas epektibo at mahusay na paghahatid ng mga serbisyo sa Rehiyon.
Binigyang-diin ng Presidente na sa pagkakaisa mayruong lakas, kumpiyansa ang Pangulo na sa bagong tatag na Negros Island region pag isahin ang lakas para mas lalo lalago ang ekonomiya at bubuti ang buhay ng mga Negrense.
Kabilang sa bagong tatag na Negros Island Region ang Negros Occidental kasama ang Bacolod City, Negros Oriental at Siquijor.
Ikinatuwa naman ng mga opisyal ng Negros at maging ng mga business leaders ang paglagda sa Negros Island Region Law.
Samantala, ang Real Property valuation and Assessment Reform Act (RPVAR Act o R.A. No.12001 ) ay mahalaga upang mapahusay ang sistema ng koleksyon ng buwis sa bansa na naglalayong makamit ang pagbuo ng kita, trabaho at pamumuhunan sa buong bansa.
Ayon sa Pangulo, ito ay karugtong sa 8 puntong socioeconomic agenda ng Administrasyon at binibigyang diin ang pangangailangang i- streamline at pagandahin ang sistema sa pamamagitan ng isang unipormeng real property appraisal compliant sa international standard.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang mga mambabatas sa pagpasa sa nasabing panukala na kapaki-pakinabang.
Kumpiyansa ang Pangulo na magiging produktibo ang nasabing batas.