-- Advertisements --
pbbm pnp

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang naging direktiba para tugunan ang overfishing o labis na paghuli ng mga isda.

Ayon kay PBBM, walang fishing ban, nais lamang aniyang hindi magalaw o hindi mangisda sa mga breeding grounds upang dumami pa ang stock ng isda sa bansa.

Ilan aniya sa mga mangingisdang nakausap ng Pangulo ay dumaing na kakaunti lamang ang kanilang nahuhuling isda kung kayat dapat na mamonitor ang breeding sites at maprotektahan upang dumami pa ang populasyon ng isda.

Dapat din aniyang alagaan ng mabuti ang mga ito at huwag pumasok sa breeding grounds upang makarami ng huli ang ating mga kababayang mangingisda.

Matatandaan na hiniling ni Pangulong Marcos ang restriksyon sa pangingisda sa ilang mga lugar para matugunan ang overfishing at maprotektahan ang sektor ng pangisdaan.

Inihayag din ng Presidential Communications Office na plano ng Marcos administration na magkaroon ng karagdagang cold storage facilities dahil aabot sa 30% ng mga huling isda ang maaaring mawala kapag walang mga pag-iimbakang cold storage facilities.