-- Advertisements --
Tumanggi muna si Pang Ferdinand Marcos Jr ba magbigay mga detalye kaugnay sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso sa bansa.
Sinabi ni pangulong ferdinand marcos jr na sinabihan sila ng gobyerno ng indonesia na wag na munang maglabas ng anupamang anunsyo hinggil dito.
Ito aniya ay hanggat hindi pa napa plantsa ang lahat ng detalye para rito.
Ayon sa Presidente, iri respeto nila ang hiling na ito ng gobyerno ng Indonesia.
Una nang inilabas ng indonesian government na wala silang kondisyong ipatutupad at gusto na ring mapauwi si Veloso bago mag Pasko.
Sa panig naman ng gobyerno ng pilipinas, una na ring sinabi ng dept of foreign affairs na hayaan na muna silang magtrabaho.