No comment ang Palasyo ng Malakanyang partikular si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa naging pulong nina US President Donald Trump at Ukraine President Volodomyr Zelensky na ikinagulat ng buong mundo humantong sa mainit na pag-uusap.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro walang reaksiyon si Pangulong Marcos ukol dito.
Sinabi ni Castro, ipinauubaya na ng Malakanyang kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagbibigay ng pahayag ukol sa naging pulong nina Trump at Zelensky.
Kung maalala hindi naging maayos ang resulta ng pag-uusap nina Trump at Zelensky.
Sinabihan kasi ni Trump si Zelensky na makipag negosasyon na sa Russia para tapusin na ang giyera.
Tumanggi din mag komento ang Malakanyang kaugnay sa posibilidad na mag-iba ang posisyon ng Amerika sa isyu sa West Philippine Sea kasunod ng pag-iba sa posisyon nito sa Russia-Ukraine war.