Tumanggi mag komento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa napaulat na pagpapatalsik sa pwesto sa kaniyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez.
” I won’t give any comments about the speakership as of yet,” pahayag ng Pangulong Marcos Jr.
Una ng itinanggi ni dating Pangulo at kasalukuyang Deputy House Speaker Gloria Arroyo ang ulat na siya ang nagunguna sa pagpapatalsik sa pwesto kay Speaker Romualdez.
Sa pahayag ni Arroyo na hindi na niya inaasam pa na maging speaker of the house matapos italaga si Speaker Martin Romualdez.
Subalit ibinunyag din ni Arroyo na nagkaroon din siya ng ambisyon nuon na maging pinuno ng Kamara ng manalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kasabay nito ay ipinanawagan ni Arroyo sa kaniyang mga kasamahan sa LAKAS-CMD na suportahan ang speakership ni Romualdez, na kanilang party-president.
“It should be noted that being Speaker once more is no longer part of my political objectives. This has been my position ever since Speaker Romualdez was elected in the 19th Congress, and I continue to urge my Lakas-CMD partymates to support our party President in that role,”pahayag ng dating Pangulo.
Ipinaabot din ni Arroyo ang pag-bati para sa kaniyang kabaleng si Gonzales sa bago nitong pwesto sa liderato ng Kamara.