Binigyan na ng go signal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maibalik ang dating school calendar ng Department of Education (DepEd) o gawing April at May ang bakasyon at Hunyo ang pasukan.
Sa isang interview kay Pangulong Marcos sa Pasay City kaninang umaga, kaniyang sinabi na umaasa siyang sa susunod na taon ay maipatupad na ito.
Inihayag ng Presidente na siya mismo ang humingi sa DepEd na pag aralang maigi ang mga mungkahing ito at magsumite ng rekomendasyon hinggil dito.
Sinabi ng pangulo na napapanahon na ring ibalik ang dating school calendar dahil araw araw aniya niyang napapanood sa tv, naririnig sa radyo at nababasa sa mga diaryo ang kanselasyon ng mga klase dahil sobrang init ng panahon.
Una ng inihayag ng DepEd na kanila ng naisumite sa Palasyo ng Malakayang ang kanilang rekumendasyon.
” Of course hiningi ko yan sa DepEd and I asked Inday Sara to give me already a concerted plan because mukha naman hindi na tayo kailangan magantay pa at mukha namang kailangan na, at I dont see any objections really from anyone especially with the El Niño being what it is , everyday you turn on the news F2f classes are canceled, F2f calsses have been postponed etc. So talagang kailangan na kailangan na. So yes, that’s part of the plan that were trying to do to bring it back alrady to the old schedule. I think it would be better for the kids,” pahayag ni Pangulong Marcos