Kasunod ng panawagan na sertipikahan na urgent ang panukalang P200 across the board wage hike, inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na kailangang pag-aralan muna ito ng maige.
Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na ang tripartite board ang siyang tumutukoy kung magkakakaroon ng taas sweldo.
Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan muna pag-usapan at pag-aralan ito ng mga concerned agencies.
Ayon sa President posibleng magkaroon ng negatibong implikasyon kung ipatupad ang P200 across the board wage hike gaya ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at ang inflation na hindi pa tuluyang natutugunan.
Dagdag pa ng Punong Ehekutibo na nagpahayag dun ng pagkabahala ang mga employer lalo na yung mga maliliit na negosyo kapag itinaas ang minimum wage.
Kahapon lusot na sa house panel ang panukalang P200 across the board wage hike.