CAGAYAN DE ORO CITY – Pangunguhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang dalawang magkaibang government project inaugurations sa silangang bahagi ng Misamis Oriental bukas.
Sinabi ni Misams Oriental Provincial Administrator John Venice Ladaga,unang pasinayaan ng pangulo ang bagong tayo na Balingoan Port sa bayan ng Balingoan kung saan nagsilbing dock area papunta sa probinsya ng Camiguin.
Aniya,agad itong sundan ng isa pang inaugrasyon patungkol a intergrated coconut processing plant na matatagpuan naman sa bayan ng Balingasag ng lalawigan.
Dagdag ng opisyal na magsilbing host-province din ang Misamis Oriental para sa pagpunta ni Marcos sa isa pang mahalagang kaganapan sa Don Gregorio Pelaez Sports Complex na nakabase sa Cagayan de Oro bandang hapon bukas.
Ito’y sapagkat magkaroon din ng pag-turnover ang pangulo sa halos 100 ambulansiya para sa 91 na local government units na sakop ng Northern Mindanao.
Inaasahan na kasama ni Marcos ang ilang cabinet members nito particular sa mga ahensiya na nasa frontline ng nakatakdang aktibidad buong araw bukas.
Ito ang unang pagkakataon na muling nakabisita ang pangulo sa rehiyon matapos ang kanyang pagdalaw noon sa Cagayan de Oro dahil namimigay ayuda sa mga apektadong mga magsasaka at mga mangingisda noong kasagsagan ng El Niño phenomenon taong 2024.