Nagpatawag ng panibagong Command Conference si Pangulong Ferdinand Marcos Jr mamayang hapon, ito ay para sa pamunuan naman ng Philippine Army.
Ang liderato ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay pinamumunuan ni Lt. Gen. Roy Gallido.
Bukod sa mga matataas na opisyal ng hukbo na dadalo sa command conference, inaasahang dadalo din sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gibo Teodoro at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Nabatid na kahapon, una nang pinangunahan ng Pangulo ang command conference ng Philippine Air Force (AFP).
Sa pulong sa PAF, ipinag-utos ng Pangulo na palakasin ang airpower capability ng hukbo.
Inaasahan naman talakayin sa pulong sa Philippine Army ang modernization program ng hukbo, mga aktibidad at iba pang mga plano.
Hindi naman sinabi ng Palasyo na ang magkasunod na Command Conference sa militar ay bahagi ng loyalty check kasunod ng mga nababalitang destabilization plot.
Kahapon sa isinagawang oath taking ng nasa 39 AFP generals binigyang-diin ng Pangulong Marcos na maging tapat sa kanilang tungkulin.