-- Advertisements --
Dinis-qualify ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang registration ng Pilipinas Babagon Muli (PBBM) party-list para sa May 12, 2025 election dahil umano sa misrepresentation.
Base sa 10-pahinang ruling, na kanilang pinaburan ang petition na inihain ni Atty. Jess Christian Ramirez.
Inirerepresenta umano ng PBBM party-list bilang regional political party sa Calabarzon at ito ay naglalagay ng nominasyon sa labas ng rehiyon.
Dahil dito ay nilabag umano nito ang Republic Act 7941 o Partylist System Act.
Mayroon 10 inilagay na nominees ang partido na galing sa Abra, Cagayan at Quezon City.