-- Advertisements --
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang ang patuloy at masigasig na pakikipaglaban ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at maritime rights nito sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng claim ng China na na-okupahan na nito ang Sandy Cay bagay na itinanggi ng Palasyo.
Ayon kay Castro, mismong ang national security council ang nagsabing walang katotohanan ang naturang ulat.
Binanggit rin nito ang ginawang inter-agency maritime operation sa Sandy Cay 1, Cay 2 at Cay 3.
Giit ni Castro, tuloy-tuloy ang pagprotekta sa lahat ng karapatan ng Pilipinas na naaayon sa international law, pero may paniniguro na ito ay para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.