-- Advertisements --

Pina-alalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 39 newly promoted Generals and Flag-Officer-in-Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mas mabigat na responsibilidad sa bayan.

Ayon sa Punong Ehekutibo mas maraming estrella na naka kabit sa balikat mas malaking responsibilidad ang nakaatang.

Umaasa si Pangulong Marcos na ang mga ranggong iginagawad sa mga ito ay magsisilbing inspirasyon sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Pinatitiyak din ng Punong Ehekutibo na gawin ang kanilang mandato ng may dedikasyon, propesyunalismo at integridad.

Ginawa ng Pangulo ang kaniyang mensahe ng pangunahan nito ang oath taking ceremony sa 39 na mga bagong promoted na Generals at Flag Officer in Command.

Kabilang sa mga nanumpa kay Pangulong Marcos ay sina Lt.Gen. Steve Crespillo, Major General Arvin Lagamon, Major General Edmundo Peralta, dating Presidential Security Group Commander Major General Ramon Zagala at kasalukuyang PSG Commander Major General Jesus Nelson Morales.

Inihayag ng Pangulo, well deserve ang mga heneral sa kanilang promotion.